top of page

IMPLASYON

     Ito  ay  tumutukoy  sa  patuloy  na

  pagtaas ng pangkalahatang presyo ng

  mga bilihin sa pamilihan. 

Mga pangunahing bilihin, TAAS-PRESYO

ABS-CBN News

Posted at Jul 03 2017 07:38 PM | Updated as of Jul 04 2017 03:52 AM

K

inumpirma ng grupo ng mga supermarket na nagmahalan ang mga presyo ng maraming produkto, kabilang na ang mga pangunahing bilihin, ngunit hindi ito lumagpas sa suggested retail price.

Matapos naman ang apat ng linggo ng sunod-sunod na rolbak, may pagtaas naman sa presyo ng diesel, gasolina, at gaas. 

Sa nakalipas na anim na buwan, nagmahal ang halos lahat ng kategorya ng bilihin kasama na ang mga pangunahing bilihin, pagkumpirma ng pangulo ng isang supermarket group.

"If you buy the top 20, may slight na increase sa 

several brands. Iba pa 'yung sizes. Lahat ng brands, lahat ng categories," ani Steven Cua, pangulo ng Philippine Amalgamated Supermarkets Association. 

Isang halimbawa ay ang isang kilalang brand ng kape na tumaas ang presyo. Sentimo lamang ang iminahal nito, ngunit dahil maaaring ilang beses kung bilhin ito kada buwan, malaki rin ang halagang iyon kapag naipon. 

"Barya lang kung tutuusin, pero malaking bagay din para sa amin," ayon sa konsumer na si Nerissa Norte. 

Buwelta naman ng mga may-ari ng supermarkets, may opsiyon naman ang mga konsumer na maging mas wais. 

"Halimbawa, sa coffee, that's basic, but there are other brands to choose from naman," ani Cua. 

All Videos

All Videos

Watch Now

Dahil dito, iminumungkahi ng mga supermarket na tanggalin na ang SRP at hayaan ang konsumer na dumiskarte kung saan makamumura.

Binigyan pa ng hanggang Hulyo 7 ang lahat ng gustong magkomento tungkol sa isyu ng SRP.

Tantiya ng Department of Trade and Industry, baka kalagitnaan pa ng Agosto magsimula na ang mga manufacturer ang magtatakda ng presyo ng pangunahing bilihin. 

Kailangang mapirmahan muna ni DTI Secretary Ramon Lopez ang department order bago ito mailabas. 

May ilang mga grupo rin namang kumokontra rito.

Dagdag-presyo sa produktong petrolyo

Matapos ang apat na sunod na linggong may rolbak, may taas-presyo na sa petrolyo simula bukas ng Martes. 

Nasa P0.70 ang dagdag sa diesel, P0.30 ang dagdag sa gasolina, at P0.55 naman sa kerosene. 

Dulot umano ito ng pagtatapos ng Ramadan at pagsisimula ng driving season sa Estados Unidos.

"Tapos na rin kasi ang Ramadan kaya tumaas ang demand, tapos driving season na sa US," ayon kay Assistant Secretary Rodela Romero ng Department of Energy. 

Mamayang lagpas hatinggabi ang oil price hike ng Flying-V habang ang ibang kompanya naman ay bukas pa ng alas-6 ng umaga.

-- Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

Watch more:
bottom of page